Narito ang mga maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Huwebes, November 25, 2021:

- BRP Sierra Madre, pinapaalis ng Chinese Foreign Ministry sa Ayungin Shoal
- Gobyerno ng Pilipinas, nanindigan na hindi aalis ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal
- Driver ng van, patay sa pananambang ng riding-in-tandem; Kasama niya, sugatan
- Dalawa, arestado matapos makuhanan ng P3.5-M halaga ng umano'y shabu; Mga suspek, aminado sa krimen
- Malacañang, muling iginiit na walang karapatan ang Int'l Criminal Court na mag-imbestiga sa drug war sa bansa
- Presyo ng karneng baboy sa Laoag City, nagmahal nang P10/kilo
- Ilang tsuper ng jeep, umaasang kasama sila sa mabibigyan ng P7,200 subsidiya na sinimulan nang ipamigay
- Tigil biyahe ng ilang miyembro ng isang truckers group, ikaapat na araw na
- Ilang health workers na hindi pa raw nakatatanggap ng benepisyo hanggang ngayon, nangalampag sa DOH
- Mga pananim, tinamaan uli ng andap o frost
- Ilang stall sa Divisoria, 24 oras nang bukas isang buwan bago magpasko
- Mahigit P375-M jackpot prize, puwedeng mapanalunan sa Ultra Lotto 6/58 draw bukas
- SUV, tumagilid matapos bumangga sa kotse; 2 sakay ng kotse, sugatan
- Rider na nanghipo at nambastos umano sa kanyang babaeng pasahero, arestado; Rider, tumangging magbigay ng pahayag
- National vaccination days, magsisimula na sa Lunes
- 2,000 residente ng Pasig, target maturukan ng booster shot ngayong araw
- Jessie J, nag-open up tungkol sa kanyang pregnancy loss
- Kapuso Bigay Premyo sa Pasko Week 3 winners
- Lalaki, patay matapos tagain ng ama gamit ang palakol
- 600 OFWs na natanggal sa trabaho dahil sa pandemic, pinababalik na sa United Arab Emirates
- Panayam kay POEA Administrator Bernard Olalia
- Kampanya kaugnay sa pagdedesisyon ukol sa reproductive at sexual health ng mga kabataan, isinusulong
- DOH: 890 ang naitalang bagong COVID cases sa bansa.
- Job opening sa mga Municipal Government ng Kitcharao, Agusan Del Norte at Sagada, Mountain Province
- Lolang 89-anyos, hinangaan online dahil sa kanyang husay mag-pose sa kanyang birthday pictorial
- Drag race, nauwi sa disgrasya; 3 patay
- Samantha Panlilio, pasok sa top 10 best in swimsuit ng Miss Grand International pageant